"Ang buhay ay binubuo ng maiikling panahon, ng pagdating at paglisan. Sa pagitan ng bawat sandaling ito nasusukat ang kahulugang hinahanap."
- Dan Quetulio Brizuela
Beyond the collective quest for social justice espoused by various ideologies, it boils down to indiviual satisfaction. For the more spiritual among us:
"Do everyrhing with love" - 1 Cor. 16:14
"But we can do small things with great love” – Mother Teresa.
- Dan Quetulio Brizuela, #LaborDay2023
The rekindling of the fire presents resurrection and the promise of eternal salvation through Jesus Christ. In praise and thanksgiving we invoke tonight Psalm 103, "Send forth your Spirit, O Lord, and renew the face of the earth". O my soul, arise and bless the Lord God, Say to Him my God how great you are, You are clothed with majesty and splendour, And light is the garment you wear.
Rejoice, Christ is Risen! Alleluia!
- Dan Quetulio Brizuela
Easter 2023
- Dan Quetulio Brizuela
Holy Week 2023
Kanina lamang habang nakatunghay ako sa nagdaraang prusisyon sa paggunita ng Biernes Santo, napansin ko ilang metro sa akin ang isang nakatatandang babae na palaboy at ang kanyang pusa. Malinaw sa akin na dito sa ilalim ng flyover sa Tramo, sa center island ng daanan, sila naninirahan dahil nakita ko roon ang mga nakalatag na karton bilang tulugan.
Tulad ng karamihan, tahimik lamang kami na nanonood sa pagdaan ng mga deboto at ang mga karosang lulan ang mga imahe ni Hesukristo at mga santo. May sandali rin na nakita kong pinupulot ng babae ang mga plastic na botelya ng tubig na iniwan ng mga kasama sa prusisyon. Sigurado ako na pangangalakal ng basura ang kanyang ikinabubuhay.
Ang aking pagkamangha ay napalitan ng pagkabagabag sa buong senaryong yaon. Maraming katanungan ang biglang nabuo sa aking kalooban. Ano kaya ang nasa isipan ng babaeng yun sa panooring naglalahad ng debosyon sa Diyos? Sa gitna ng sobrang kasalatan ng buhay, sa wari'y pagkalimot ng lipunan sa mga taong tulad niya, naniniwala pa ba sila sa Diyos? May pag-asa pa ba silang makaahon sa kahirapan ng buhay? O tulad ng karamihan sa kanila, lilisan na lamang ng tahimik at walang pagkilala mula sa mapait na mundong walang pakialam?
Marahil patay nga ang Diyos, dahil patay ang ating pananampalataya. Hindi natin lubos na natatanto ang diwa ng Banal na Aral Niya, dahil sa ibat-ibang balakid sa ating buhay espiritwal. Malamang na itinakda sa pagninilay na ito, na tanungin din ang ating mga sarili, kung ang pinananaligan ba natin ay ang Tunay at Buhay na Diyos? Hindi ko na ito sasagutin, hahayaan ko na lamang ang bawat isa sa atin na hanapin ang kasagutan ng personal, sa pamamagitan ng panalangin at pakikipag-ugnayan sa Panginoon gamit ang Kanyang Salita ng Buhay.
Nagtapos ang prusisyon, at narinig ko ang babaeng palaboy na nagsalita, “Wala na, tapos na.” Payak na pananalita, ngunit may kurot sa damdamin. Marahil sa mas malalim na pakahulugan, ang pahimakas na ang mga bagay sa mundo ay lumilipas, kumukupas; ang mga sandali pumaparoon at pumaparito; na ang ang bawat nilalang ay lilisan dito sa takdang panahon.
Nawa'y ang ating paggunita ng mga banal na araw na ito ay maging makabuluhan. Maisabuhay nawa natin ang ating pananampalataya sa Buhay na Diyos at pangako Niyang buhay na walang hanggan. Sa pag-alaala natin sa pagpapakasakit at pagkamatay ng Manunubos, salubungin natin ng buong galak ang Kanyang muling Pagkabuhay. Oo, buhay Siya, at handa lagi tayong ipadama sa isa't-isa ang katotohanan sa pamamagitan ng mapagpala at makabuhay na pananampalataya.
#biernessanto2023 #viernessanto2023 #holyweek2023 #holyweek #semanasanta2023 #semanasanta #mahalnaaraw2023 #mahalnaaraw #pagninilay #holyweekreflections